Programang Parol ng mga Pilipinong Beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang Programang FWVP ay naitatag noong Hunyo 2016 upang payagan ang mga Pilipinong beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig maging ang kanilang mga asawa na mamamayan ng Estados Unidos at permanenteng residente na ayon sa batas (LPRs) na makapag-apply ng parol para sa ilang miyembro ng kanilang pamilya. Kung naaprubahan para sa parol, maaari ng makapunta sa Estados Unidos ang mga miyembro ng kanilang pamilya bago pa man magkaroon ng visa imigrante.
Pagwawakas ng Programang FWVP
Noong Agosto 2019, inanunsyo namin ang aming layunin sa pagwawakas ng Programang FWVP. Sa Dec. 23, 2020, naglathala kami ng abisong Federal Register na humihiling ng pampublikong komento sa pagrerebiso ng Form I-131, Aplikasyon para sa Dokumentong Paglalakbay, na magtatapos ng Programang Parol para sa mga Pilipinong Beterano ng WWII kung ang mga pagbabago sa tagubilin ng form ay naging pinal na. Bilang bahagi ng pagtatapos ng Programang FWVP:
- Pananatilihin ng mga kasalukuyang may parol ang kasalukuyang hangganan ng kanilang parol hanggang sa ito ay mawalan ng bisa (maliban na lamang kung winakasan) at maaaring magpasa ng aplikasyon para sa panibagong panahon ng parol (“ulit na parol”) sa ilalim ng orihinal na mga tuntunin ng programa. Kung ikaw ay kasalukuyang may parol, maaaring tingnan ang Current Parolees sa seksyon ng Estados Unidos sa ibaba para sa mahalagang impormasyon;
- Ipo-proseso namin hanggang makumpleto ang mga kahilingan para sa FWVP na ipinasa bago ang epektibong petsa ng bagong Form I-131 gamit ang mga orihinal na tuntunin ng programa. Ia-update namin ang pahinang ito sa epektibong petsa kung ang mga pagbabago sa tagubilin sa form ay natapos na; at
- Aming tatanggihan ang mga bagong aplikasyon para sa Programang HFRP na naselyuhan sa mismo o pagkatapos ng epektibong petsa ng mga bagong tagubillin ng form. Ia-update namin ang pahinang ito sa oras na malaman ang epektibong araw.
Mga Kasalukuyang may Parol sa Estados Unidos
Ang parol ay hindi isang visa na pang-imigrante at hindi ito katulad ng pagkakaroon ng lawful permanent resident (LPR) na katayuan (pagkakaroon ng Green Card). Ang parol ay pansamantala at pinapahintulutan ka na ligal na makapanirahan sa Estados Unidos sa kasalukuyan ng iyong parol at makapagpasa ng aplikasyon para mapahintulutang makapagtrabaho.
Iyong makikita kung kailan magwawakas ang panahon ng iyong parol sa iyong elektronikong Form I-94, Tala ng Pagdating/Pag-alis.
Pagpapasa ng Aplikasyon para sa Katayuang Lawful Permanent Residence/Green Card
Bilang isang dayuhan na nabigyan ng parol sa Estados Unidos sa ilalim ng Programang FWVP, inaasahan namin na ikaw ay magpapasa ng aplikasyon para sa katayuang LPR (Green Card), sa oras na maaari ng makuha ang visa bilang imigrante. Base sa impormasyon sa Visa Bulletin, maaaring maraming taon pa bago dumating ang mga visa para sa benepisyaryo ng FWVP. Responsibilidad mong subaybayan kung ang iyong visa bilang isang imigrante ay maaari ng makuha. Hindi kami magpapadala sa iyo ng abiso para ipaalam kung ang iyong visa bilang isang imigrante ay maaari ng makuha, hindi rin maging ang pagsubaybay kung may ilang deribatibong benepisyaryo ang “lumagpas na sa eded” sa kanilang karapatan para sa Green Card at maaaring kailanganing magpasa ng panibagong petisyon o aplikasyon. (Tingnan ang aming pahinang Batas sa Proteksyon ng Katayuan ng Bata (Child Status Protection Act, CSPA) para sa karagdagang impormasyon.)
Mangyaring tingnan ang impormasyon kung paano malaman kung ang iyong visa na pang-imigrante ay mayroon sa Ingles o Tagalog.
Kung ang iyong visa na pang-imigrante ay maaari ng makuha, ang hangganan ng iyong parol ay hindi pa nagwakas at nais mong manatili sa Estados Unidos ng permanente, kailangan mong magpasa ng aplikasyon para sa katayuang LPR sa pamamagitan ng pag-sumite ng Form I-485, Aplikasyon upang Magrehistro ng Permanenteng Paninirahan o Pagbabago ng Katayuan, kasama ang ilang mga kinakailangang forms at paunang mga ebidensya, kalakip ang Form I-864, Apidabit ng Pagsuporta. Maaari mo ring isaalang-alang ang paghiling ng muling parol kung ang pagproseso ng iyong visa na pang-imigrante ay hindi pa nakumpleto sa oras na magwakas ang panahon ng iyong parol.
Kahit na ang iyong visa na pang-imigrante ay handa na, hindi ka karapat-dapat na ayusin ang iyong katayuan kung ang bisa ng iyong parol ay tapos na at hindi ka pa naaprubahan para sa panibagong parol (ulit ng parol) o nakakuha ng katayuang pang-imigrasyon. Kung iyan ang iyong sitwasyon, maaaring humahaba ang iyong iligal na pananatili (tingnan ang seksyon ng Unlawful Presence sa ibaba para sa mga karagdagang detalye).
Kung nag-sumite ka ng Form I-485 at ito ay nakabinbin pa, maaari mong isaalang-alang ang paghingi ng panibagong parol bago magwakas ang kasalukuyan mong parol. Kung tinanggihan o binalewala namin ang iyong Form I-485, maaaring humaba ang iyong iligal na pananatili kung ang bisa ng iyong parol ay tapos na at hindi ka pa nakahiling at naaprubahan para sa panibagong parol o nakakuha ng katayuang pang-imigrante (tingnan ang seksyon ng Unlawful Presence sa ibaba para sa mga karagdagang detalye).
Kung ikaw ay nag-sumite ng Form I-485 at tinanggihan o binalewala namin ito, maaaring ikaw ay iligal na nasa Estados Unidos at humahaba ang iligal na pananatili kung ang bisa ng iyong parol ay nagwakas na at hindi ka nakakuha ng katayuang pang-imigrasyon o naaprubahan para sa muling parol. Maaari mo pa ring isaalang-alang ang paghingi ng panibagong parol.
Paghiling ng Pag-ulit ng Parol
Para humiling ng panibagong parol, o “pag-ulit ng parol,” kinakailangan mong:
- Mag-sumite ng bagong Form I-131, Aplikasyon para Dokumento ng Paglalakbay, at magbayad ng hinihinging kabayaran (o humiling ng pag-alis ng bayarin);
- Lagyan ng tsek ang kahon 1.f. sa Part 2 ng form;
- Isulat ang "FWVP, pag-ulit ng parol" sa itaas ng aplikasyon; at
- Isama ang bagong Form I-134, Apidabit ng Pagsuporta, at anumang katibayan upang suportahan ang pag-ulit ng parol, kabilang ang paliwanag at mga pangsuportang dokumento na nagpapakita ng pangangailangan para sa isang karagdagang awtorisadong panahon ng parol.
Kung ang bisa ng iyong parol ay malapit nang matapos at hindi ka humiling o kumuha ng panibagong parol o isang katayuang pang-imigrasyon, dapat kang humiling ng pag-ulit ng parol upang manatiling ligal sa Estados Unidos. Isasaalang-alang namin ang mga kahilingan para sa panibagong parol depende sa bawat kaso sa ilalim ng parehong tuntunin ng dating Programang FWVP. Kailangan mong ipasa ang iyong kahilingan ng hindi bababa ng 90 araw bago ang petsa ng pagtatapos ng iyong parol upang mabigyan ng oras sa pagproseso.
Kung ang hangganan ng iyong parol ay nagwakas na, ngunit hindi pa nakahiling ng panibagong parol o katayuang LPR o nakakuha ng katayuang pang dayuhan, ikaw ngayon ay maaaring nasa Estados Unidos ng iligal; gayunpaman, maaari ka pa ring humiling ng panibagong parol. Kailangan mong magpasa ng kumpletong kahilingan para sa panibagong parol sa lalong madaling panahon. Kung inaprubahan namin ang iyong hiling, nararapat ka ng magpasa ng aplikasyon para sa katayuang LPR kung ang iyong visa na pang-imigrante ay maaari ng makuha. Ngunit, kung tinanggihan namin ang iyong kahilingan, maaaring nasa Estados Unidos ka ng iligal hanggang sa lisanin mo ang bansa.
Iligal na Pananatili
Ang iligal na pananatili sa Estados Unidos ay maaaring magkaroon ng malubhang kahihinatnan:
- Maaaring hindi mo maayos ang iyong katayuan kung naninirahan ka sa Estados Unidos ng iligal sa anumang oras mula ng dumating ka bilang isang may parol. Ibig sabihin nito na kinakailangan mong lisanin ang Estados Unidos para magpasa ng aplikasyon para sa visa na pang-imigrante upang makabalik sa Estados Unidos bilang ligal na permanenteng residente; at
- Kung ikaw ay iligal na nasa Estados Unidos sa loob ng mahigit 180 na araw, maaari kang mapailalim sa unlawful presence bar, depende sa iyong edad. Ibig sabihin nito na hindi ka maaaring makabalik sa Estados Unidos sa tatlo o sampung taon, depende sa haba ng iyong paninirahan na labag sa batas, maliban kung nakatanggap ka ng waiver. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming pahina na Iligal na Pananatili at Mga Hadlang sa Pagtanggap.
Kung ikaw ay napapailalim sa unlawful presence bar, maaari kang mag-apply para sa waiver sa pamamagitan ng pag-sumite ng Form I-601A, Pansamantalang Waiver para sa Iligal na Pananatili, bago ka umalis sa Estados Unidos para magpakita sa embahada ng Estados Unidos o konsulado ng Estados Unidos para sa isang panayam tungkol sa visa na pang-imigrante. Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa pagpapasa ng aplikasyon para sa waiver matapos umalis sa Estados Unidos, pumunta sa aming pahina na Form I-601, Aplikasyon para sa Waiver ng Mga Batayan ng Hindi Pagtanggap .
Maaari ka ring humiling ng ligal na payo o komunsulta sa isang awtorisadong tagapagbigay ng serbisyo sa imigrasyon patungkol sa iyong sitwasyon.
Pagpapasa ng Aplikasyon para sa Awtorisasyon sa Trabaho
Sa oras na ikaw ay nabigyan ng parol sa Estados Unidos sa ilalim ng Programang FWVP, ikaw ay magiging karapat-dapat na magpasa ng aplikasyon sa USCIS para sa awtorisasyong makapagtrabaho.
Kinakailangan mong magsumite ng Form I-765, Aplikasyon para sa Awtorisasyon sa Trabaho, na may kaukulang kabayaran.
Kung sakalaing nakapagtrabaho ka sa Estados Unidos ng walang pahintulot, kakailanganin mong magpasa ng aplikasyon at maproseso sa ibang bansa para sa visa na pang-imigrante sa halip na magpasa ng aplikasyon para sa katayuang LPR sa Estados Unidos.
Pagwawakas ng Iyong Parol
Kung ikaw ay nabigyan ng parol na sa Estados Unidos, ang iyong parol ay awtomatikong wawakasan kung:
- Nilisan mo ang Estados Unidos; o
- Natapos na ang bisa ng iyong parol.
Ang Kagawaran ng Seguridad sa Bayan (Department of Homeland Security, DHS) ay maaari ring magdesisyon na wakasan ang iyong parol para sa iba pang mga kadahilanan, tulad ng paglabag sa alinmang mga batas ng Estados Unidos.
Sa oras na ito, kung ikaw ay nabigyan ng parol sa Estados Unidos sa ilalim ng Programang FWVP, mapapanatili mo ang iyong parol hanggang sa ito ay mawalan ng bisa at maaari kang magpasa ng aplikasyon para sa panibagong parol maliban kung ikaw ay nasa ilalim ng iba pang mga dahilan para matanggalan sa ilalim ng mga patakaran ng DHS at 8 CFR seksyon 212.5(e).
Dahilan sa Pagwawakas ng Programang FWVP
Noong ika-25 ng Enero taong 2017, nilagdaan ni Pangulong Trump ang isang Kautusang Tagapagpaganap na pinamagatang, Mga Pagpapabuti sa Pagpapatupad ng Seguridad ng Hangganan at Imigrasyon na humiling sa DHS na gumawa ng aksyon upang matiyak na ang awtoridad ng parol sa ilalim ng seksyon 212(d)(5) ng Immigration and Nationality Act (8 U.S.C. seksyon 1182(d)(5)) ay naisasagawa lamang sa bawat kaso alinsunod sa payak na wika ng batas, at kung ang dayuhan ay nagpapakita lamang ng biglaang makataong mga dahilan o makabuluhang pampublikong benepisyo. Matapos suriing muli ang Kautusang Tagapagpaganap at ang Programang FWVP, napagdesisyunan naming wakasan na ang programa.
Ang pagbabagong ito ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang may mga parol ng FWVP, na panatilihin ang kanilang kasalukuyang durasyon ng parol hanggang sa ito ay mawalan ng bisa at maaaring humiling ng panibagong parol sa ilalim ng mga orihinal na alituntunin ng Programang FWVP. Ang mga FWVP na may parol ay maaari pang magpasa ng aplikasyon upang ayusin ang kanilang katayuan kung karapat-dapat na silang gumawa nito. Tingnan ang seksyon ng Kasalukang May Parol sa Estados Unidos para sa karagdagang impormasyon.
Pag-aapply para sa FWVP
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa mga sumusunod na mga paksa:
- Mga Kahulugan
- Pagiging Karapat-dapat para sa Programa
- Paano Magpasa ng Aplikasyon
- Pagproseso ng iyong Aplikasyon
- Panayam sa Benepisyaryo
- Proseso Pagkatapos ng Panayam
Mga Kahulugan
Kami ay gumagamit ng mga sumusunod na termino sa Programang FWVP:
Termino |
Kahulugan |
---|---|
Nagpepetisyon |
Ang Pilipinong Beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) o ang kanilang buhay na asawa na isang mamamayan ng Estados Unidos o ligal na permanenteng naninirahan (LPR) sa Estados Unidos. Kung ang Pilipinong beterano ng WWII at ang kanilang asawa ay parehong pumanaw na, ang ilang mga benepisyaryo ng naaprubahan o ibinalik na mga Form I-130, ay maaring humiling ng parol sa kanilang sariling ngalan. Tinatawag ito na pansariling petisyon. Ang mga kwalipikadong nagpepetisyon lamang ang maaaring magpasa ng mga aplikasyon para sa mga benipisyo sa ilalim ng Programang FWVP. |
Mga Benepisyaryo |
Mga miyembro ng pamilya na maaaring magbenipisyo mula sa mga petisyon ng kamag-anak (Forms I-130) na naipasa sa ngalan nila at maaaring mabigyan ng parol sa Estados Unidos kung maaprubahan sa ilalim ng Programang FWVP. Kabilang sa mga benepisyaryo ang pangunahing benepisyaryo, mga deribatibong benepisyaryo at dagdag na mga deribatibong benepisyaryo. |
Pangunahing benepisyaryo |
Ang miyembro ng pamilya kung kanino nai-sumite ang Form I-130. Halimbawa, ang pangunahing benepisyaryo ay maaaring isang asawa o anak ng LPR na hindi pa kasal, o isang anak na may sapat na gulang, kasal na anak, o kapatid ng mamamayan ng Estados Unidos. |
Mga Deribatibong Benepisyaryo |
Ang asawa ng pangunahing benepisyaryo at mga anak na hindi kasal na may edad 21 pababa. Sila rin ay maaaring malista sa naaprubahang Form I-130. Ang mga benepisyaryong ito ay maaaring maging karapat-dapat para sa parol base sa kanilang kaugnayan sa pangunahing benepisyaryo. Kung ang pangunahing benepisyaryo ay hindi naaprubahan para sa parol, ang mga deribatibong benepisyaryo ay hindi maaaprubahan. |
Dagdag na Deribatibong Benepisyaryo |
Sa mga natukoy na kalagayan, kung ang pangunahing benepisyaryo ay nagpakasal o nagkaanak mula nang maaprubahan ang Form I-130, ang asawa o ang anak na iyon na hindi kasal na may edad na 21 pababa ay maaaring maging isang dagdag na deribatibong benepisyaryo at maging karapat-dapat para sa parol batay sa kanilang kaugnayan sa pangunahing benepisyaryo. |
Pagiging Karapat-dapat para sa Programa
Sino ang Karapat-dapat na Magpasa ng Aplikasyon
Ikaw ay maaaring maging karapat-dapat na humiling ng parol para sa iyong mga kwalipikadong kamag-anak kung iyong matutugunan ang mga sumusunod na pangangailangan:
- Ikaw ay isang mamamayan ng Estados Unidos o LPR na naninirahan sa Estados Unidos;
- Napatunayan mong ikaw ay isang Pilipinong beterano ng WWII (gaya ng naipakahulugan sa ilalim ng seksyon 405 ng IMMACT90 (PDF)) na nabago ng Seksyon 112 ng Batas ng mga Paglalaan ng Kagawaran ng Hustisya, 1998,) (PDF)) o ang naiwang asawa ng naturang indibidwal;
- Ikaw, ang Pilipinong beterano ng WWII o naiwang asawa, ay nag-sumite ng Form I-130, Petisyon para sa Dayuhang Kamag-anak, para sa isang miyembro ng pamilya at ito ay inaprubahan noong o bago ang petsa kung kailan ikaw ay nag-sumite ng kahilingan para sa parol; at
- Ang visa para maging imigrante ay hindi pa rin handang makuha para sa iyong kamag-anak.
Maaari kang humiling ng parol sa ngalan nila at sa ngalan ng iyong asawa at mga anak (hindi kasal at edad 21 pababa,) kung:
- Ang beterano at ang kaniyang asawa ay parehong pumanaw na; at
- Ikaw ay ang pangunahing benepisyaryo ng Form I-130 na ipinasa ng beterano o ng asawa ng beterano para sa lalaking anak o babaeng anak na anak din ng beterano.
Mangyaring tingnan ang mga Nagpepetisyon sa Pansarili na nakapailalaim sa seksyon na nasa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Mga Kailangan sa Paghingi ng Parol
Kung matutugunan mo ang mga kailangan sa taas, maaari kang humiling ng parol sa ngalan ng miyembro ng iyong pamilya na natugunan ang mga sumusunod na pamantayan:
- Sila ang benepisyaryo na nasa Form I-130 na inihain ng beterano o ng nabubuhay pang asawa ng beterano, at inaprubahan namin ang form (kabilang ang sinumang kasamang asawa o anak*) sa araw o bago ang araw na humiling ng parol ang petisyoner; at
- Ang benepisyaryo ay may kwalipikadong, ligal na kinikilalang relasyon sa beterano na umiiral noong o bago ang Mayo 9, 2016.
*Ang asawa ng pangunahing benepisyaryo at mga anak na hindi pa kasal na may edad 21 pababa (kilala bilang mga deribatibong benepisyaryo) ay maaari ring maging karapat-dapat na magbenepisyo sa ilalim ng Programang FWVP. Kami lamang ay tatanggap ng mga deribatibong benepisyaryo para sa parol kung inaprubahan namin ang pangunahing benepisyaryo. Ang mga deribatibong benepisyaryo ay hindi karapat-dapat para sa Programang FWVP para sa kanilang sarili.
Kung ikaw ay ang naiwang asawa ng beterano, ang mga karapat-dapat na mga benepisyaryo ay kinabibilangan lamang ng iyong anak na siyang anak din ng beterano. Kabilang dito ang kinakapatid, tunay na anak, batang ipinanganak na hindi kasal ang magulang, at mga anak na inampon. Ikaw ay maaaring humiling ng parol sa ilalim ng Programang FWVP sa ngalan ng mga indibidwal na ito, kahit na ang naaprubahang Form I-130 kung saan sila ay ang mga benepisyaryo ay nai-sumite ng pumanaw na beterano, basta nabigyan namin ng makataong pagbabalik ang Form I-130 o mabigyan ng kaluwagan sa ilalim ng INA seksyon 204(I). Para sa karagdagang impormasyon maaaring bumisita sa aming pahina na Makataong Pagbabalik.
Pinabilis na Pagproseso ng Form I-130, Petisyon para sa Dayuhang Kamag-anak
Susuriin namin ang pinabilis na hiling depende sa bawat kaso bilang batayan sa paghuhusga, at ang bigat ay nasa nagpepetisyon upang patunayan na natutugunan nila ang isa o higit pa sa pinabilis na pamantayan. Para sa karagdagang impormasyon maaaring bumisita sa aming pahina na Pamantayan sa Pagpapabilis. Kung ikaw ay beteranong Pilipino noong ikalawang digmaang pandaigdig o nabubuhay na asawa ng beterano at nais mong humiling ng mabilis na proseso ng iyong bagong Form I-130 petisyon, maglakip ng pangbungad na liham kabilang ang iyong Form I-130 na nagpapahiwatig na ikaw ay beterano o nabubuhay na asawa ng beterano, na ikaw ay interesado sa Programang FWVP, at nais mong humiling ng mabilisang proseso. Matapos mong makatanggap ng resibong abiso mula sa amin, dapat mo ring tawagan ang Sentro ng Pakikipag-ugnayan ng USCIS (TTY: 800-767-1833) upang makahiling ng mabilisang proseso.
Kung inaprubahan namin ang iyong Form I-130, maaari kang magpasa ng Form I-131 para sa iyong karapatan bilang benepisyaryo na may kasamang kopya ng iyong Form I-797, Abiso ng Aksyon (na iyong Form I-130 abiso sa pag-apruba), at iba pang mga kailangang dokumento na nakalista sa seksyon na Paano Magpasa.
Dapat naming aprubahan ang iyong Form I-130 bago ka magsumite ng Form I-131. Hindi mo maaaring ipasa nang sabay ang mga form na ito.
Mga Nagpepetisyon sa Sarili
Kung ang Pilipinong Beterano ng WWII at ang asawa ng beterano ay parehong pumanaw na, ang mga natukoy na karapat-dapat na mga indibidwal ay maaari pa ring mapahintulutang maghangad ng parol sa ngalan ng kanilang mga sarili, maliban kung:
- Ang pumanaw na beterano ay mayroong kwalipikadong serbisyong militar noong WWII, at nabanggit na karapat-dapat para humingi ng parol sa itaas na seksyon, at naninirahan sa Estados Unidos noong panahon na sila ay pumanaw.
- Ang asawa nang beterano ay patay narin; at
- Ikaw ang anak na lalake, anak na babae, kuya o ate ng namatay na beterano, at ang relasyon na iyon ay umiiral noon o bago mag Mayo 9, 2016.
Bilang karagdagan, bago namin isaalang-alang sa iyong kahilingan para sa parol, ang isa sa mga sumusunod na kondisyon ay dapat na totoo:
- Inaprubahan namin ang Form I-130 kung saan ikaw ay isang pangunahing benepisyaryo habang ang nagpetisyon ay buhay pa, at pagkamatay ng nagpetisyon, binigyan namin ng muling pagbabalik ng Form I-130 sa ilalim ng 8CFR 205.1(a)(3)(i)IC)(2) o binigyan ng kaluwagan sa ilalim ng INA 204(I); o
- Kung ang nagpepetisyon ay namatay habang ang kanilang Form I-130 ay nakabinbin, at ang benepisyaryo o deribatibong benepisyaryo ay nakatira sa Estados Unidos sa oras ng pagkamatay ng petisyoner at naninirahan pa rin sa Estados Unidos, at sunod na inaprubahan namin ang kanilang Form I-130 sa ilalim ng INA 204 (l).
Para sa mga karagdagang impormasyon kung paano humiling ng makataong pagbabalik ng Form I-130, maaari kayong bumisita sa aming pahina na Makataong Pagbabalik .
Dahil maraming mga dayuhan ang naghahanap ng parol bilang miyembro ng pamilya ng beteranong Pilipino noong digmaan na nasa lagpas na edad, maaaring tawagan ang Sentro ng Pakikipag-ugnayan ng USCIS upang humiling ng mabilisang proseso para sa nakabinbin na kahilingan ng makataong pagbabalik. Sabihin sa kinatawan na ikaw ay humihiling ng parol sa ilalim ng Programang FWVP.
Maaari mo lamang mai-sumite ang Form I-131 pagkatapos naming aprubahan ang iyong Form I-130. Gayunpaman, maaari kang magsumite ng Form I-131 kasabay ng iyong hiling para sa makataong pagbabalik o habang nakabinbin ang iyong kahilingan. Kung ikaw ay nagsumite ng Form I-131 habang ang makataong pagbabalik ay hinihintay, magsama ng kopya ng nakabinbin na kahilingan kasama ang iyong aplikasyong pakete.
Hindi namin ipo-proseso ang iyong Form I-131 hanggang sa maibigay namin ang iyong kahilingan sa makataong pagbabalik.
Para sa kasalukuyang pagsusumite, siguraduhin na kasama ang mga sumusunod na dokumento sa iyong pakete:
- Ang pambungad na liham ay nagpapahiwatig na ikaw ay nagsumite ng Form I-131 at kasama ang makataong pagbabalik;
- Ang kahilingan ng makataong pagbabalik na nakumpleto sa pamamagitan ng Form I-130 pangunahing benepisyaryo, kasama ang sumusuportang dokumento (walang nakahiwalay na bayad para sa humihingi ng makatong pagbabalik);
- Ang Form I-131 ay nakumpleto ng kwalipikadong FWVP petisyoner, kasama ang mga sumusuportang dokumento at ang kailangang bayarin o kahilingan ng hindi pagbabayad.
- Nakaraang aprubadong Form I-130; at
- Form I-864, Apidabit ng Pagsuporta, na inihain ng karapat-dapat na tagapagbigay kasama ang kailangang dokumentasyong pampinansyal. Hindi mo na kinakailangang isama pa ang Form I-134, Apidabit ng Suporta. Huwag pagpalitin ang Form I-134 para sa Form I-864.
Pagiging Karapat-dapat sa Programang FWVP
Basahin ang tsart na ito mula kaliwa hanggang kanan upang matukoy kung sino ang karapat-dapat na humuling ng parol para sa:
- Ang Hanay 1 ay tumutukoy sa kung sino ka - Pilipinong beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naiwang asawa ng beterano, o anak o kapatid ng beterano;
- Ang Hanay 2 ay tumutukoy sa nagpepetisyon na nagsumite ng Form I-130 na aming inaprubahan. Ikaw ay hindi maaaring humiling ng parol ng wala ang inaprubahang Form I-130; at
- Ang Hanay 3 ay tumutukoy sa kung para kanino ka maaaring humiling ng parol, batay sa kung sino ka at kung sino ang nagsumite ng inaprubahang Form I-130.
Sino ka? |
Sino ang nagsumite ng Form I-130 na Aming Inaprubahan? |
Para Kanino Ka Maaaring Humiling Ng Parol Sa Ilalim Ng Programang FWVP? |
Isang Pilipinong Beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) kung saan ang serbisyong pangmilitar ay kinilala ng Kagawaran ng Depensa |
Ikaw, ang Pilipinong beterano ng WWII |
Ang sinuman sa mga benepisyaryo ng iyong inaprubahang Form I-130, hangga’t ang iyong kaugnayan sa kanila ay umiral noong o bago ang ika-9 ng Mayo 2016. Ito ay maaaring kinabibilangan ng:
|
Ang naiwang asawa ng isang Pilipinong beterano ng WWII kung saan ang serbisyong pangmilitar ay kinilala ng Kagawaran ng Depensa |
Iyong asawa, ang Pilipinong beterano ng WWII, na ngayo’y pumanaw na |
Ang sinuman sa mga benepisyaryo ng Form I-130 ng iyong beteranong asawa, hangga’t ang:
Ito ay maaaring kinabibilangan ng:
|
Ikaw, ang naiwang asawa ng beterano |
Mga tiyak na benepisyaryo ng iyong inaprubahang Form I-130, hangga’t:
Ang mga sumusunod na benepisyaryo ng Form I-130 ay hindi karapat-dapat para sa Programang FWVP:
|
|
Ang anak o kapatid ng pumanaw na Pilipinong beterano ng WWII kung saan ang serbisyong pangmilitar ay kinilala ng Kagawaran ng Depensa, at ang asawa ng beterano ay pumanaw na rin |
Ang Pilipinong beterano ng WWII o asawa ng beterano na ngayon ay pareho nang pumanaw |
Ikaw ay maaaring magpetisyon sa sarili sa Programang FWVP sa ngalan mo at anumang nagpapakarapat-dapat na mga deribatibo hangga’t:
AT
Ikaw ay hindi karapat-dapat na magpetisyon sa sarili sa ngalan mo kung:
Ikaw ay hindi karapat-dapat para sa Programang FWVP kung:
|
Mga Miyembro ng Pamilya sa Estados Unidos
Habang ang Programang FWVP ay nakalaan para sa mga miyembro ng pamilyang nasa labas ng Estados Unidos, ang natukoy na mga kamag-anak sa Estados Unidos ay maaaring makinabang sa programa. Ganunpaman, kung ang sentro ng serbisyo ay nag-aapruba sa iyong aplikasyon nang may kundisyon, ang iyong kamag-anak ay kinakailangang umalis ng Estados Unidos at magpakita sa tanggapan ng USCIS sa ibang bansa o sa isang Embahada o Konsulado ng Estados Unidos, tulad ng naihathala sa Form I-131, upang makapanayam ng isang USCIS o opisyal ng Kagawaran ng Estado.
Kung matagpuang karapat-dapat, ang iyong kamag-anak ay mabibigyan ng isang dokumento sa paglalakbay upang mapahintulutan ang iyong kamag-anak na bumiyahe sa Estados Unidos at humiling ng parol mula sa opisyal ng Estados Unidos Customs and Border Protection (CBP) sa puwerto ng pagpasok. Susuriin ng CBP ang mga dokumento at, sa pagpapalagay nasa maayos ang lahat, bibigyan ng parol ang iyong kamag-anak sa Estados Unidos. Kung hindi natagpuang karapat-dapat na maglakbay, kami ay magpapadala ng nakasulat na notipikasyon sa nagpepetisyon para sa Programang FWVP.
Depende sa estado ng individwal sa Estados Unidos, ang pag-alis sa Estados Unidos ay maaaring humantong sa mga seryosong pang-imigrasyong kahihinatnan. Bago gawin ang ganitong opsyon, ang mga indibidwal ay hinihikayat na kumunsulta sa isang mapagkakatiwalaang abugado ng imigrasyon sa potensyal na panganib at benepisyo ng opsyong ito.
Gayundin, ilang mga miyembro ng pamilya na nasa Estados Unidos ang maaaring maging karapat-dapat para sa parol sa ilalim ng aming nai-angkop na patakaran para sa pamilya ng mga kasalukuyan o dating mga miyembro ng militar.
Sino ang Hindi Karapat-dapat
Ang paglahok sa FWVP ay hindi makukuha ng mga taong kwalipikado bilang mga pangunahing kamag-anak, dahil sila ay maaaring maghangad agad ng visa na pang-imigrante para sa paglalakbay sa Estados Unidos sa oras na ang Form I-130 ay maaprubahan. Kabilang sa mga pangunahing kamag-anak ang:
- Mga asawa ng mga mamamayan ng Estados Unidos;
- Mga anak ng mga mamamayan ng Estados Unidos na hindi kasal na mas bata sa edad na 21; at
- Mga magulang ng mga mamamayan ng Estados Unidos na mas matanda sa edad na 21.
Kung ikaw ay benepisyaryo ng naaprubahang Form I-130, at ang iyong petisyoner (Pilipinong beterano ng WWII o asawa) ay naninirahan pa rin sa Estados Unidos, ikaw ay hindi maaaring humiling ng parol para sa iyong sarili o sa mga miyembro ng iyong pamilya sa ilalim ng Programang FWVP. Ang nagpepetisyon sa iyong nakabase sa Estados Unidos ay dapat na magsumite sa ngalan mo.
Limit sa Edad para sa mga Deribatibong Benepisyaryo
Walang limit sa edad para sa pangunahing benepisyaryo ng Form I-130 upang maging karapat-dapat para sa Programang FWVP. Gayunman, ang sinumang deribatibong mga anak ay dapat na mas bata sa edad na 21 sa petsa kung saan aming natanggap ang iyong wastong aplikasyon upang mabigyan ng konsiderasyon para sa parol sa ilalim ng programang ito. Ang mga Form I-131 na naisumite para sa mga deribatibong mga anak na nasa edad 21 o mas matanda pa sa petsa kung saan aming natanggap ang wastong aplikasyon ay hindi papahintulutan. Hindi namin isasauli ang mga kaakibat na mga kabayaran sa pagsumite. Ipagpapatuloy namin ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa sinumang iba pang mga benepisyaryo, kabilang ang pangunahing benepisyaryo at ang kaniyang asawa at mga anak na hindi kasal at mas bata sa edad na 21.
Mga Kalagayan Na Maaaring Makaapekto Sa Pagiging Karapat-dapat
Ang talahanayan sa ibaba ay naglilista ng mga pangyayari na maaaring makaapekto sa iyong pagiging karapat-dapat para sa Programang FWVP.
Pagiging isang Mamamayan ng Estados Unidos |
Kung ikaw ay isang LPR at magiging mamamayan ng Estados Unidos pagkatapos mong wastong maisumite ng iyong aplikasyon para sa Programang FWVP, mayroon kang dalawang pagpipilian:
Kung ikaw ay naging mamamayan ng Estados Unidos bago ang iyong paghiling sa parol sa ilalim ng Programang FWVP, tatanggihan namin ang anumang mga aplikasyon na nai-sumite sa ngalan ng mga kamag-anak. |
Pag-aasawa |
Ang isang pagbabago sa estado ng kasal sa Form I-130 ng kamag-anak na benepisyaryo ay maaaring makaapekto sa elihibilidad ng iyong kamag-anak para sa Programang FWVP. Ang mga kamag-anak na hindi karapat-dapat para sa Programang FWVP kung sila ay kasal ay kinabibilangan ng:
|
Paano Magsumite
Mga Tip sa Pagsumite
- Ang mga nagpepetisyon (kabilang ang mga nagpepetisyon sa sarili) ay kinakailangang magsumite ng mga aplikasyon para sa Programang FWVP para sa lahat ng mga miyembro ng pamilya na kaugnay sa parehong nakapaloob na naaprubahang Form I-130 sa parehong pagkakataon. Ang mga deribatibong benepisyaryo ay mabibigyan lamang ng konsiderasyon para sa parol kung ang pangunahing benepisyaryo sa Form I-130 ay naaprubahan para sa parol. Ang mga deribatibong benepisyaryo ay hindi karapat-dapat para sa Programang FWVP sa kanilang sariling paraan, at ang anumang mga aplikasyon para sa Form I-131 na iyong isu-sumite sa ngalan nila ay hindi mapapahintulutan kung ang pangunahing benepisyaryo ay hindi naaprubahan para sa parol.
- Paghiling sa pagdagdag sa asawa o anak sa isang naaprubahang Form I-130 (Dagdag na deribatibong mga benepisyaryo): Kung ang pangunahing benepisyaryo ay nagpakasal o nagkaanak simula ng maaprubahan ang pinagbabatayang Form I-130, ikaw ay maaaring magsumite ng isang aplikasyon para sa Programang FWVP sa ngalan ng asawa o anak na mas bata sa edad 21 ng naturang pangunahing benepisyaryo (na karaniwang tinutukoy bilang isang “dagdag” na deribatibo).
- Ang mga deribatibong mga anak na nakalista sa inaprubahang Form I-130 na nasa edad na 21 na o magiging 21 pa lamang o mas matanda pa bago mo wastong naisumite ang aplikasyon para sa Programang FWVP, ay hindi magiging karapat-dapat para sa programang FWVP. Isinasaalang-alang namin ang petsa kung kailan isinumite ang isang aplikasyon bilang petsa kung saan ito ay natanggap namin. Kung ikaw ay nagsumite ng aplikasyon sa ngalan ng isang deribatibong anak at ito ay aming natanggap pagkatapos na ang iyong anak ay maging 21 taon gulang, tatanggihan namin ang iyong aplikasyon.
Paano Humiling ng Parol
Kung ikaw (ang nagpepetisyon o nagpepetisyon ng sarili) ay nagnanais na ang iyong mga kamag-anak ay mabigyan ng konsiderasyon para sa Programang FWVP, kinakailangan mong sundin ang mga hakbang na tinukoy para sa Programang FWVP na nakalista sa ibaba at isumite ang kinakailangang dokumentasyon sa lockbox:
- Kompletuhin ang isang hiwalay na Form I-131, Aplikasyon para sa Dokumento ng Paglalakbay, para sa bawat miyembro ng pamilyang karapat-dapat na lumahok sa Programang FWVP.
- Kumpletuhin ang mga bahaging 1, 2, 7, 8 at 9 ng Form I-131;
- Ang Bahagi 1 ay humihiling ng impormasyon tungkol sa iyo, ang nagpepetisyon (o nagpepetisyon ng sarili).
- Sa ilalim ng Bahagi 2, Uri ng Aplikasyon, i-tsek ang kahong 1.F, Ako ay nag-aaplay para sa dokumentong Advance Parol para sa taong nasa labas ng Estados Unidos. (I-tsek ang kahong ito kahit na ang iyong benepisyaryo ay kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos);
- Ang mga bilang 2.A-2.P ay humihiling ng impormasyon tungkol sa miyembro ng iyong pamilya, ang benepisyaryo; at
- Sa ilalim ng Bahagi 8, pirmahan mo ito, bilang nagpepetisyon (o nagpepetisyon ng sarili);
- Isulat ang “FWVP” sa malalaking titik sa itaas ng Form I-131;
- Isama ang kopya ng iyong Form I-797, Paunawa ng Aksyon, (ang iyong Form I-130 paunawa ng pag-apruba), kopya mula sa Estado ng Kaso Online na nagpapakita ng pag-apruba sa Form I-130, o ibang ebidensya ng pag-apruba ng iyong Form I-130; at
- Isama ang naaangkop na kabayaran o ang kahilingan sa hindi pagbayad. Maaari kang humiling ng isang fee waiver sa pamamagitan ng pagsumite ng Form I-912, Kahilingan para sa Hindi Pagbabayad. Para sa mga karagdagang impormasyon, tignan ang aming pahina na Patnubay sa Hindi Pagbabayad.)
- Kung ikaw ay karapat-dapat na magpetisyon sa sarili, dapat ka ring magsumite ng katibayan upang maitaguyod ang isang kwalipikadong pamilyang kaugnayan sa namatay na beterano at ebidensya ng muling pagpapabalik o seksyon ng INA 204 (l) kaluwagan sa iyong Form I-130;
- Kumpletuhin ang isang hiwalay na Form I-134, Apidabit ng Pagsuporta, kasama ang mga sumusuportang dokumento para sa bawat miyembro ng pamilya (kasama ang iyong sarili, kung ikaw ay isang nagpepetisyon sa sarili). Ikaw ay maaaring magsumite ng mga Form I-134 mula sa maraming mga isponsor upang magbigay ng sapat na ebidensya na ang mga isponsor ay may kita o mga pinansyal na mapagkukunan upang masuportahan ang bawat miyembro ng pamilya.
- Kung ipapasa mo ang iyong Form I-131 na may kalakip na isang kahilingan para sa makataong pagbabalik, kailangan mo lamang isama ang Form I-864. Hindi mo na kinakailangan pang kumpletuhin ang Form I-134;
- Kung kasabay mong isinu-sumite ang kahilingan para sa makataong pagbabalik kasama ang iyong Form I-131, o isang kahilingan para sa makataong pagbabalik dahil tinanggihan namin ang nakaraan mong kahilingan, dapat mong isama ang kahilingan ng pangunahing benepisyaryo ng petisyong Form I-130 at isama ang lahat ng sumusuportang mga dokumento tulad ng ibinanggit sa itaas; at
- Isama ang ebidensyang ikaw ay isang Pilipinong beterano ng WWII, gaya ng inilarawan sa ilalim ng seksyon 405 ng IMMACT90, gaya ng nabago ng Seksyon 112 ng Batas ng mga Paglalaan ng Kagawaran ng Hustisya, 1998,) o ang naiwang asawa ng naturang indibidwal.
- Kung ikaw ay isang nagpepetisyon sa sarili, isama ang ebidensyang ikaw ay anak o kapatid ng pumanaw na Pilipinong beterano, at na ang kaugnayan ay umiral noong o bago ang ika-9 ng Mayo, 2016; na ang pumanaw na Pilipinong beterano ay may nagpapakarapat-dapat na serbisyong pangmilitar ng WWII, gaya ng nabanggit sa itaas, at naninirahan sa Estados Unidos sa panahon ng pagpanaw, at ang asawa ng beterano ay pumanaw na rin.
Pagsusumite ng Pakete ng Iyong Aplikasyon
Kinakailangan mong mag-sumite para sa lahat ng mga karapat-dapat na mga kamag-anak na kaugnay sa parehong naaprubahang Form I-130 sa parehong panahon upang ang mga ito ay sama-samang maiproseso. Isumite lahat sa isang pakete sa lokasyon na:
USCIS
P.O. Box 8500
Chicago, IL 60680-4120
Ang pagkabigong magsumite ng mga pinagsama-samang mga aplikasyon ay maaaring makaapekto sa aming abilidad na malaman ang kanilang elihibilidad sa programa, at maaari naming tanggihan ang lahat o ang ilan sa mga kaugnay na mga aplikasyon.
Ikaw ay hindi maaaring magsumite ng iyong aplikasyon nang elektroniko sa aming sistema ng pagsumite online sa oras na ito.
Mga Gastusin
Kinakailangan mong magbayad ng mga kabayaran para Form I-131, Aplikasyon para sa Dokumento ng Paglalakbay, para sa bawat aplikasyon na iyong isusumite para sa isang miyembro ng pamilya, o maaari kang magpasa ng aplikasyon para sa hindi pagbabayad. Walang bayad para sa Form I-134, Apidabit ng Pagsuporta. Kinakailangan mo ring sagutin ang lahat ng mga gastusing kaugnay sa pagdalo sa panayam sa ibang bansa, kabilang ang pagkumpleto sa medikal na eksaminasyon at paglalakbay sa Estados Unidos.
Pagproseso ng Iyong Aplikasyon
Ang paggawad ng parol ay hindi awtomatiko. Gagamitin namin ang aming mabuting pagpapasiya upang mapahintulutan ang parol ng iba’t-ibang kaso. Sa pangkalahatan, kami ay pahihintulutan lamang ang parol sa mga benepisyaryo na tumutugon sa mga pangangailangan sa elihibilidad ng FWVP at pati na rin ang:
- Pagpasa ng mga background tsek na pangkriminal at pambasang seguridad;
- Pagpasa sa medikal na pagsusulit; at
- Paggarantiya ng isang mainam na paggamit ng pagpapasya.
Pagkatapos mong magsumite ng iyong aplikasyon sa lockbox ng USCIS, ang pakete ay ipapasa sa isang sentro ng serbisyo ng USCIS para sa panghuhusga. Ang sentro ng serbisyo ay magbeberipika na ikaw ay kwalipikadong magsumite ng aplikasyon at magrerepaso ng dokumentasyon upang malaman kung ang iyong benepisyaryo ay maaaring maging kwalipikado para sa parol. Ang sentro ng serbisyo ay maaaring humiling ng karagdagang ebidensya, tumanggi o mag-apruba sa iyong aplikasyon nang may kondisyon.
Kung ang sentro ng serbisyo ay nag-apruba sa iyong aplikasyon nang may kondisyon, ito ay ipapasa sa Kagawaran ng Estado (Department of State, DOS) ng Pambansang Sentro ng Visa (National Visa Center, NVC). Ang NVC ang maglilipat ng iyong kaso sa tanggapan ng USCIS o sa Embahada o Konsulado ng Estados Unidos sa ibang bansa kung saan ang iyong benepisyaryong kamag-anak ay kakapanayamin.
Kung aming tanggihan ang iyong Form I-131, ang desisyon ay natapos na. Gayunpaman, ang iyong benepisyaryo ay maaari paring maging karapat-dapat para sa pagproseso ng visa imigrante batay sa naaprubahang Form I-130 sa ngalan nila. Kung ang visa imigrante ng benepisyaryo ay makukuha na, siya ay maaari ng magsimula sa proseso ng pagpasa ng aplikasyon para sa visa imigrante.
Ito ay maaaring abutin ng anim na buwan upang maproseso ang isang aplikasyon para sa FWVP mula sa panahon na aming natanggap ang iyong aplikasyon hanggang sa pag-isyu ng dokumento sa paglalakbay. Ang panahong kailangan upang makapagdesisyon sa kaso ay mag-iiba depende sa mga isyung naitaas at kung kami ay nangangailangan ng karagdagang ebidensya. Bilang karagdagan, ang pandemya ng COVID-19 ay nagambala ang aming normal na operasyon, kasama na ang aming mga ka-partner sa ibang bansa na tumutulong sa pagproseso ng kaso. Nangangahulugan ito na ang pagpoproseso ng kaso ay maaaring mas matagal kaysa sa dati.
Kahilingan para sa Ebidensya
Kung ang sentro ng serbisyo ay matagpuang ang aplikasyon ay kulang sa kinakailangang ebidensya o ang karagdagang ebidensya o impormasyon ay kailangan, sila ay magpapadala sa iyo ng Kahilingan para sa Ebidensya (RFE). Kinakailangan mong magbigay ng ebidensyang hiniling ng RFE, o patunayang ang ebidensya ay hindi makukuha at magsumite ng sekondaryang ebidensya sa halip na ito. Ang iyong aplikasyon ay maaaring hindi mapahintulutan kung ikaw ay hindi tumugon sa RFE sa loob ng kinakailangang haba ng panahon.
Panayam sa Benepisyaryo
Mangyaring huwag subukang direktang mag-iskedyul ng appointment sa Pandaigdigan na Tanggapan ng USCIS o sa Embahada o Konsulado ng Estados Unidos. Ikaw ay bibigyan ng notipikasyon kapag naiskedyul na ang iyong appointment para sa panayam.
Depende sa iyong lugar, ikaw (ang pangunahing benepisyaryo) ay maaaring makapanayam ng isang opisyal ng USCIS o konsular na opisyal ng DOS sa Embahada o Konsulado ng Estados Unidos. Pagkatapos matanggap ang aplikasyon mula sa NVC, ang USCIS o DOS ay mag-iiskedyul ng appointment para sa panayam at magbibigay ng impormasyon tungkol sa anumang mga pangangailangan bago ang panayam, kabilang ang mga hakbang sa pagkumpleto ng medikal na eksaminasyon.
Sa araw ng panayam, ang kawani ng USCIS o ang mga konsular na opisyal ng DOS ay mag-iinterbyu sa iyo at sa mga deribatibong benepisyaryo upang alamin ang inyong mga identidad at kumpirmahin ang iyong elihibilidad para sa parol sa ilalim ng Programang FWVP.
Paghahanda para sa Panayam
Sa araw ng kanilang panayam, lahat ng karapat-dapat na miyembro ng pamilya ay kinakailangang magdala ng:
- Isang porma ng identipikasyon na ipinagkaloob ng pamahalaan;
- Kanilang pasaporte;
- Mga orihinal na dokumentong sibil na sumusuporta sa kanilang elihibilidad para sa programa, maliban pa sa sertipikadong mga pagsasalin sa Ingles ng mga dokumentong ito;
- Mga resulta ng medikal na eksaminasyon; at
- Isang kopya ng iyong iskedyul ng appointment.
Pagkatapos ng Panayam
Ang mga benepisyaryo ay hindi kinakailangang magsagawa ng anumang permanenteng mga aksyon kagaya ng pagbenta o pagbili ng ari-arian, pagbitiw sa trabaho o pag-hinto sa pag-aaral hangga’t napasakamay na nila ang dokumento ng parol sa paglalakbay para sa Programang FWVP.
Kung ang iyong paglalakbay ay naaprubahan:
- Ang kawani ng Embahada ng Estados Unidos ay magkakaloob sa iyo ng mga kinakailangang dokumento sa paglalakbay. Ang mga dokumentong ito ay magpapahintulot sa iyo na maglakbay sa Estados Unidos at humiling ng parol mula sa isang opisyal ng CBP sa puwerto ng pagpasok. Ang CBP ay magrerepaso sa mga documento at, sa pagpalagay na ang lahat ay nasa kaayusan, ay magbibigay ng parol sa iyo sa Estados Unidos para sa tatlong taon.
- Lahat ng karapat-dapat na miyembro ng pamilya ay kailangang isaayos at bayaran ang kanilang paglalakbay; at
- Kapag nasa Estados Unidos na, inaasahan ang mga benepisyaryo na magsumite para sa katayuan ng LPR (isang Green Card) sa sandaling maging handa na ang kanilang visa imigrante. Tingnan ang mga Kasalukang May Parol sa seksyon ng Estados Unidos para sa karagdagang impormasyon.
Kung ang iyong paglalakbay ay hindi naaprubahan:
- Kami ay magpapadala ng isang nakasulat na notipikasyon sa iyo at sa mga miyembro ng iyong pamilya kung ang paglalakbay sa Estados Unidos ay hindi naaprubahan.
Kung Aming Tatanggihan Ang Parol:
- Ang aming desisyon sa pagtanggi sa iyong parol ay natapos na, at wala nang karapatang umapila.
- Kung aming tatanggihan ang pag-awtirisa ng parol sa ilalim ng Programang FWVP, ang mga benipisyaryo ay maaari pa ring maging karapat-dapat para sa pagproseso ng visa imigrante batay sa naaprubahang Form I-130 kung ang visa imigrante ay maaari ng makuha; at
- May mga pagkakataon na, ang dahilan ng hindi pagbibigay ng parol ay maaari ring maging dahilan para sa aming pagtangging aprubahan ang iyong kalakip na Form I-130. Sa kalagayang ito, ang benepisyaro ay hindi na maaaring maging karapat-dapat para sa vise imigrante. Gagawin namin ang mga pagpapasiyang ito na nakabatay ayon sa kaso.
Makatao o Makabuluhang Pampublikong Benepisyong Parol
Ang mga dayuhan na hindi karapat-dapat para sa Programa ng FWVP na mayroong mabilisang makatao at makabuluhang mga kadahilanang benepisyo sa publiko upang makarating sa Estados Unidos ay maaaring maging karapat-dapat na magsumite para sa parol sa ilalim ng karaniwang proseso ng parol.
Para sa mga karagdagang impormasyon kung paano magsumite ng parol sa pamamagitan ng karaniwang proseso ng parol, tignan ang aming Makatao o Makabuluhang Pampublikong Benepisyong Parol na pahina.
Kasaysayan ng Programa
Ang Programang FWVP ay nilikha noong Hunyo 2016 sa pagkilala ng mga kontribusyon at sakripisyo ng mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig at ang kanilang mga pamilya. Ilan sa mga beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig at kanilang mga asawa na mga mamamayan ng Estados Unidos at ligal na permanenteng naninirahan (LPR's) ay maaaring humiling ng parol para sa ilang miyembro ng pamilya.
Pagprotekta ng Iyong Sarili mula sa Pandaraya
Kapaki-pakinabang na alalahanin:
- Mahigpit kang hinihimok ng USCIS at DOS at ang mga miyembro ng iyong pamilya na manatiling mapagbantay tungkol sa posibilidad ng mga indibidwal na nag-aangkin na kinatawan ng gobyerno ng Estados Unidos at humihingi ng pera. Ang mga indibidwal na ito, na madalas na tinatawag na "scammers," ay maaaring subukang linlangin ka sa pagbabayad sa kanila sa pamamagitan ng pag-alok makatulong na magsumite ng mga aplikasyon para sa Programang FWVP. Upang matuto nang higit pa tungkol sa mga karaniwang pandaraya sa imigrasyon at kung paano iulat ang mga scammer, mangyaring bisitahin ang aming pahina ng Iwasan ang Mga Scam.
- Ang mga websayt na nagtatapos sa “.gov” ay opisyal na mga websayt ng gobyerno. Ang impormasyon sa mga opisyal na websayt ng gobyerno ng Estados Unidos na nagtatapos sa “.gov” ay opisyal at tunay. Ang mga opisyal na email address ng gobyerno ng Estados Unidos ay nagtatapos din sa ".gov," at ang anumang mga sulat na nagmumula sa isang address na hindi nagtatapos sa ".gov" ay dapat isaalang-alang na kahina-hinala.
Mga Kaugnay na Link
- Optional Checklist – Programang Parol ng mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (FWVP)
- FWVP Fact Sheet (PDF, 143.98 KB)
- Paano malalaman kung ang iyong visa imigrante ay maaari ng makuha (Ingles) (PDF, 185.1 KB)
- Paano malalaman kung ang iyong visa imigrante ay maaari ng makuha (Tagalog)
- Makataong Pagbabalik
- Visa Bulletin ng Kagawaran ng Estado
- Batas sa Proteksyon ng Katayuan ng Bata, Child Status Protection Act (CSPA)
- Listahan ng Bayarin sa USCIS
- Karagdagang Impormasyon sa Pagpapasa ng Aplikasyon sa Hindi Pagbabayad
- Iligal na Pananatili at Pagkakakulong
Mga Form
- Form I-485, Aplikasyon sa Pagrerehistro Bilang Permanenteng Naninirahan o Pagbabago ng Estado
- Form I-864, Apidabit ng Pagsuporta
- Form I-131, Aplikasyon para Dokumento ng Paglalakbay
- Form I-912 Paghiling ng Fee Waiver
- Form I-134, Apidabit ng Pagsuporta
- Form I-765, Aplikasyon para sa Pahintulot na Makapagtrabaho
- Form I-601A, Waiver para sa Probisyon ng Iligal na Pananatili